
PANIMULA SA BREATHWORK
Ang Kahalagahan ng Hininga sa Kalusugan ng Isip at Katawan
Isa sa mga pinaka-mahalagang kakayahan ng tao na madalas hindi napapansin at hindi nagagamit nang tama ay ang kamalayan sa paghinga. (Awareness of breath)
Marami sa atin ang naghahangad ng:
✅ Malakas at malusog na pangangatawan
✅ Malinaw at maayos na pag-iisip
✅ Payapang damdamin
✅ Matatag na tiwala sa sarili
✅ Pusong may saya at katahimikan
Paano kung malaman mo na ang isa sa pinakamadaling daan patungo sa mga ito ay ang tamang paggamit ng iyong paghinga?
Karaniwan ang reaksyon ng marami:
“Huminga lang? Araw-araw naman akong humihinga kahit hindi ko isipin.”
At tama iyon. Lahat tayo ay humihinga nang kusa at walang effort—maliban na lamang kung may kondisyon na nangangailangan ng tulong sa paghinga. Ngunit sa pangkalahatan, walang effort ang paghinga. “Automatic” ika nga. Pero dito rin nawawaglit sa isip at kaalaman ng marami na ang hininga at pagbibigay ng tamang pansin at halaga dito, ang pagmumulan ng maraming bagay na ikabubuti natin bilang tao.
At dito madalas nagkakaroon ng kakulangan sa kaalaman:
Ang paghinga ay hindi lamang para mabuhay—ito ay may malaking impluwensya sa kalusugan ng katawan, isip, at damdamin.
Hindi na natin napapansin ito pero malaki ang kayang gawin ng tamang pansin at pagpapahalaga sa ating paghinga. Maaari itong maging daan para patibayin ang ating kalusugan, pakalmahin ang ating madalas na pag-aalala, palinawin ang ating isip lalo na sa mga panahon ng pagsubok at suliranin.
Ang Hininga at ang Simula ng Buhay
Sa sandaling isilang ang isang sanggol mula sa sinapupunan ng kanyang Ina ang unang hininga ang simula ng kanyang buhay.Mula sa pagsilang hanggang sa huling sandali, ang hininga ang palaging kasama ng ating pag-iral sa buhay.
Pansinin ang paghinga ng mga sanggol at maliliit na bata.
Sa bawat paglanghap (inhale), umaangat ang tiyan.
Sa bawat pagbuga (exhale), bumababa ang tiyan.
Ito ang natural at tamang paraan ng paghinga—isang kakayahang taglay nating lahat mula sa pagsilang.
Ang ganitong uri ng paghinga ay tinatawag na:
Diaphragmatic Breathing (o mas kilala bilang belly breathing)
Ang “belly breathing” ang uri ng paghinga na:
- Mas episyente (efficient)
- Mas banayad sa katawan
- Mas nakaka-kalma sa isip
Ang paghinga ng tulad ng sa mga baby ay tinatawag na “belly breathing” (o diaphragmatic breathing). Ang paghinga ng ganito ay maraming benepisyo at tulong sa katawan at kaisipan.
Pero bago ko ilahad kung ano ang mga benefits na ito, pansinin muna natin ang sarili nating paghinga.
May lalim pa ba ang paghinga mo? O mababaw at maikli na ito? Sa dibdib na ba ito nanggagaling? May mga sandali ba na may discomfort o hirap sa iyong paghinga?
Bakit Nawawala ang Natural at Tamang Paghinga?
Habang lumilipas ang mga araw at taon, nadadagdagan ang mga gawain at responsibilidad, nagkakaroon ng mga challenges at suliranin. Unit-unting nagbabago ang ating paghinga dahil tayo ay naaapektuhan ng mga ito. Ang lahat ng mga nabanggit ay malimit na tumatakbo o nananahan sa ating isip, at madalas, ang pressure at stress ng mga ito ay nagiging dahilan ng pagbabago sa ating paghinga. Ang pagbabagong ito sa paghinga ay response ng katawan sa pang araw-araw na pressure at stress.
Habang tayo ay tumatanda, nadaragdagan ang:
- responsibilidad
- pressure
- stress
- problema at alalahanin
Unti-unting nagbabago ang ating paghinga—nagiging:
- mababaw
- mabilis
- sa dibdib lamang nanggagaling
Ito ay natural na response ng katawan sa stress. Kapag ang isip ay palaging abala o nag-aalala, ang katawan ay nag-a-adjust. Isa sa mga unang naaapektuhan ay ang pattern ng paghinga.
Dahil malaki ang bahaging sinasaklawan ng mga ito sa ating kaisipan, kinakailangang mag-cope ng katawan sa pamamagitan ng pagbilis at pagbabaw ng paghinga. Dito rin nagsisimula ang pag-apekto ng stress at pressure sa pisikal na katawan. Nauuna ang pagbabago sa paghinga bago pa man din magsimula ang mga pagbabago sa katawan, at madalas, ang kasunod nito ay ang pagdagdag ng timbang. (o stress related weight gain)
Ang pagbabago at pagbabaw ng paghinga ay madalas na sinusundan din ng pagbabaw ng tulog, o kahirapan sa pagtulog ng mahimbing, nagiging sanhi ito ng hindi sapat na pahinga at pag-repair ng katawan, pagbagal o paghina ng metabolism, at pagtaas ng stress hormones na cortisol.
At kapag matagal na ganito ang paghinga, ng hindi namamalayan, maaari itong magdulot ng:
- hirap sa pagtulog
- mababang kalidad ng pahinga
- pagbagal ng metabolism
- pagtaas ng stress hormone na cortisol
- Stress-related na pagdagdag ng timbang o weight gain
- paninigas ng katawan o kawalan ng flexibility
- Pagod o fatigue
Marami sa atin ang marahil ay nasa gitna na ng mga pagbabagong ito dulot ng kakulangan sa kaalaman o “unconsciousness” at tamang pagpapahalaga sa ating paghinga. Isama na rin natin sa madalas na nakaka-apekto sa ating “breathing pattern” ang mga kaganapan sa buhay na minsan ay hindi natin maiiwasan gaya ng:
- pagpanaw ng mahal sa buhay
- paghihiwalay o pagtatapos ng isang relasyon
- pagtatapos o pagsisimula sa bagong trabaho
- mga kailangang gawin na nagdudulot ng anxiety
Ang Magandang Balita Para sa Lahat ng Humihinga pa
Dahil humininga ka pa, tuloy ang pag-asa at pagkakataong mai-tama at pabutihin ang sarili. Madali at praktikal ang mga hakbang para baguhin ang maraming bagay sa buhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang pansin at kahalagahan sa paghinga.
Nasaan ka man, ano man ang ginagawa, maari mong bigyang pansin at baguhin ang iyong breathing pattern o paghinga. Ang kinakailangan lang gawin ay: “Mindful Breathing”
Isang Simpleng Ehersisyo: Mindful Breathing
Ito ay isang basic at napatunayang paraan na ginagamit sa wellness, mindfulness, at stress management. Nasaan ka man, ano man ang ginagawa, maari mong bigyang pansin at baguhin ang iyong breathing pattern o paghinga.
Paano Ito Gawin:
- Ibaling ang pansin sa iyong paghinga.
Walang kailangang baguhin muna—pansinin lamang. - Huminga sa ilong.
Damhin ang pagpasok at paglabas ng hangin. - Pansinin kung saan umaabot ang hininga.
Umaangat ba ang tiyan, o dibdib lamang? - Sa susunod na inhale, palalimin ito nang dahan-dahan.
Hayaan ang tiyan na umangat. - Mag-exhale nang mabagal at banayad.
Huwag pilitin—hayaan lang. - Ituon ang buong pansin sa paghinga.
Sa pag-angat at pagbaba ng tiyan. - Ulitin ng 6, 9, o 12 na paghinga.
Sapat na ito para sa mga nagsisimula.
Kailan Ito Gagawin?
Ano mang oras ng araw ay maari itong gawin, lalo na kung maraming gawain at sunud-sunod ang mga event o task na kailangang tapusin.
Subukan din gawin ito bago matulog. Nakatitiyak ako na magiging malaking tulong ito sa nakararami upang mas maging malalim at mahimbing ang pagtulog. Sa araw, kung busy sa gawain at trabaho, gamitin ang celphone para mag set ng alarm para sa mindful breathing.
- Bago matulog – para sa mas mahimbing na tulog
- Sa umaga – para sa mas malinaw na simula ng araw
- Sa gitna ng trabaho – kahit 2–3 minuto lang
- Maaaring mag-set ng alarm sa cellphone bilang paalala
Mga Napatunayang Benepisyo ng Tamang Paghinga
Ang regular na mindful at diaphragmatic breathing ay napatunayang:
- Tumutulong sa pagbaba ng blood pressure
- Pinapabagal ang heart rate
- Pinapabuti at itinataas ang oxygen supply sa dugo
- Tinutulungan ang baga na maglabas ng waste gases
- Pinapahusay ang muscle function sa paggalaw at ehersisyo
- Nagdudulot ng relaxation at pagkalma sa isip at katawan
- Tumutulong sa stress management
Panghuli
Ito ay introduction lamang o panimula tungkol sa kahalagahan ng tamang paghinga at ng “breath work” upang magkaroon ng sapat na kaalaman at pundasyon ang mga may nais pabutihin ang kanilang kalusugan gamit ang tamang paghinga.
Kung narinig o nabasa mo na ang mga practices na tinatawag na Yoga, Mindfulness Meditation, Tai Chi at Qi Gong, ang lahat ng ito ay gumagamit ng tamang paghinga.
Ang paghinga ay isang likas at automatic na gawain ng tao, kaya madalas natin itong hindi napapansin. Ngunit ang hininga ay hindi lamang simpleng biological function.
Ito rin ay:
- tulay ng katawan at isipan
- sandigan ng kalusugan
- at pinagmumulan ng lakas upang mabuhay nang mas buo at may kamalayan
Sa ibang kultura, ang hininga ay tinatawag na “prana” (India) o “chi” (China) Life Force ang ibig sabihin nito. Ito ang bahagi ng iyong pagkatao na karugtong at nakakabit sa buong nilikha. Parte ito ng iyong energetic being na kailangang pahalagahan at gamitin sa iyong ikabubuti.
Ang tamang paghinga, kasama ng tamang pagpili ng pagkain, pati na rin ng tamang paggalaw ng katawan ay mahalaga upang mabuhay ng tama, malakas, at masaya. BInibuksan ng tamang kaalaman sa paghinga ang ating malay tungo sa mga bagay na tunay na nakabubuti at nakasasama sa atin. Ito ang nakakatulong upang makapili tayo ng mas tama pagdating sa mga bagay na dapat nating gawin kung gusto nating mag-function ng maayos sa pang araw-araw nating pamumuhay.
Abangan ang susunod na blog post tungkol sa Breath Work na mgabibigay sa inyo ng tips at suggestions kung paano palalalimin ang pag practice nito.
Salamat sa inyong oras at atensyon sa pagbabasa ng post na ito. Nawa ay maging simula ito ng mas matibay at masayang kalusugan ng inyong isip at katawan.
