About Us

Tambayan sa Internet ng mga Pilipinong Lumalaban ng Patas Habang Binubuo at Kinakamit ang Kanilang Mga Pangarap sa Buhay

YPD NIght SQ Frame

About Us

Ang YPD ay nilikha ng mga Pilipino para sa mga Pilipino na may layuning Itaas at Palawakin ang Kamalayan tungo sa mga bagay na tunay na mahalaga sa buhay.

Lahat tayo ay kasalukuyang nabubuhay sa panahon ng marami at mabilis na pagbabago, ito man ay sa lipunan na ating ginagalawan o sa technology na ating ginagamit. Maaring magdulot ng mabuti ang mga pagbabagong ito, gayun din naman maaari rin itong pagmulan ng ating ikasasama. 

Bilang isang website, ang YPD ay nilikha upang panatilihin at pagtibayin ang Kamalayan ng Bawat Pilipino sa tunay na hangarin ng kanilang Puso at Diwa, madalas, sa dami at bilis ng mga pagbabago nakakalimutan natin ito. Ang website na ito ang magsisilbing tagapagpaalala kung nasaan ang tunay nating Yaman.